
Ni NOEL ABUEL
Kapwa kinondena ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang nangyaring pagpatay sa gobernador ng lalawigan ng Negros Oriental.
Nagkaisa sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nanawagan sa liderato ng Philippine National Police (PNP) na hanapin at papanagutin ang mga nasa likod ng pag-atake at pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa lima pang tauhan nito.
Si Degamo ay pinagbabaril habang dumadalo sa pamamahagi ng benepisyo sa mga miyembro ng 4Ps Program sa bayan ng Pamplona ngayong araw kung saan binawian ito ng buhay habang ginagamot sa ospital.
“This act of violence is reprehensible. This is a direct challenge to the authorities,” sabi ni Romualdez.
“Kailan lang, siniguro sa akin ng PNP Chief sa meeting namin na gagawin nila ang lahat para matigil ang mga patayan na nangyayari sa ating bansa. I hold him to his word. Tulad ng mga kababayan natin, ayaw kong mawalan ng tiwala sa ating kapulisan,” giit nito.
“I expect the National Police to act with dispatch in arresting those responsible for this dastardly act. Stop lawlessness in the land and restore peace and order in our communities. That is your sworn duty. Hindi na puwede ang puro pangako. Kailangan natin ng agarang aksyon,” hamon pa ni Romualdez sa PNP.
Ipinarating naman ni Zubiri ang pakikiramay sa pamilya ni Degamo at sa mga kababayan nito.
“And I strongly condemn this dastardly act of violence. This is especially alarming, coming so soon after the ambush of Gov. Mamintal Adiong, not to mention the recent ambush on Mayor Ohto Montawal of Maguindanao del Sur, and the killing of Vice Mayor Rommel Almeda in Cagayan,” aniya pa.
“For this ambush to happen while Gov. Degamo was in the middle of attending to 4Ps beneficiaries is absolutely appalling. It is sick and heartless, and the suspects should rot in jail. Heads must roll, and the PNP must crack down on this case immediately,” pahayag pa nito.
“I also must call on the PNP to strengthen its efforts against the culture of impunity that seems to be encouraging more and more of these attacks to happen across the country. We cannot keep on letting these go on, especially when it puts innocent civilians in the crossfire,” giit ni Zubiri.