
Ni NOEL ABUEL
Suportado ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang desisyon ni House Committee on Agriculture chai at Quezon Rep. Mark Enverga na ipagharap ng contempt ang tatlong personalised na itinuturong sangkot sa manipulasyon at pagtatago ng sibuyas.
“I am in full support of the decision of the Committee on Agriculture,” ani Romualdez.
Ipinunto nito na ang hakbang ng komite ay alinsunod sa pagpapatupad ng mandato nito na ituloy ang congressional inquiry na naglalayong itigil ang manipulasyon sa presyo at pagtatagobupang maibaba ang presyo ng sibuyas sa bansa.
“Malinaw ang layunin namin nang simulan ang mga hearings na ito. Kailangang maipababa ang presyo ng sibuyas sa lalong madaling panahon. Kailangang makilala kung sino ang bumubuo ng kartel na nagmamanipula ng presyo ng bilihin. Kailangang buwagin ang mga kartel na ito na nagpapahirap sa bayan,” pahayag pa nito.
Kabilang sa isinailalim sa contempt ng nasabing komite sina ARGO Trading president at general manager Efren Zoleta Jr., operation manager John Patrick Sevilla, at legal counsel Jan Ryan Cruz.
Si Sevilla, na dumalo sa pagdinig ay agad na ikinulong habang sina Zoleta at Cruz ay no show sa pagdinig.
Binigyan-diin ng Speaker na ito at ang pamunuan ng Kamara ay hindi papayag na ang sinuman ay gumawa ng panunuya sa mga pagdinig na isinasagawa ngayon ng Committee on Agriculture.
“We expect every resource person invited to tell the truth. No more, no less. I advise those who are invited to the hearings: magsabi lang po kayo ng totoo. Kung lolokohin lang ninyo ang Committee, sa detention center ang bagsak ninyo,” giit pa nito.
