
NI NERIO AGUAS
Minamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos sa tinaguriang tulay na sasakop sa Hilagang Mindanao.
Ayon sa ulat ng DPWH, sa kasalukuyan ay nasa 63 porsiyento nang nakikita ang Panguil Bay Bridge project, kung saan sinimulan na ang paglalagay ng bridge top slab sa magkabilang dulo ng Tangub, Misamis Occidental at Tubod, Lanao del Norte.
Sinabi ni DPWH Senior Undersecretary Emil K. Sadain sa kanyang ulat kay Secretary Manuel M. Bonoan, ang bored piling works ng seabed para sa 32 pylon, isang istruktura na nagbibigay ng suporta sa 3.17-kilometrong tulay sa Panguil Bay, ay nakumpleto na at maraming makina sa itinatayong tulay ang full gear nang nagsasaayos ng main bridge pylons 1 at 2.
“By working round-the-clock and further improve the formulated measures to catch up the delays brought by previous suspension of activities due to COVID-19 pandemic from March 16 – July 2020, we will be able to finish the project toward the goal of having first traffic cross the bridge by first half of 2024,” sabi ni Sadain.
Inatasan na nito ang kontrator na Namkwang Engineering & Construction Corporation sa Joint Venture sa Kukdong Engineering & Construction Co., Ltd. and Gumgwang Construction Co., Ltd. gayundin sa engineering consultant Yooshin Engineering Corporation sa joint venture sa Pyunghwa Engineering Consultants Ltd. at Kyong-Ho Engineering & Architects Co., Ltd na tapusin ang trabaho nito sa lalong madaling panahon.
Nabatid na ang nasabing infrastructure project, na two-way two-lane Panguil Bay Bridge ay magkokonekta sa Tangub, Misamis Occidental at Tubod, Lanao del Norte na kakailanganin na lamang ng 7 minuto ang biyahe.
Sa kasalukuyan, ang koneksyon sa pagitan ng Ozamis City/Tangub City at Tubod sa pamamagitan ng Roll-On, Roll Off (RoRo) vessel ay humigit-kumulang sa isang oras hanggang isang oras at kalahati ang land travel sa layong 100 kilometro na dati ay dalawa hanggang dalawa’t kalahating oras.
Nagkakahalaga ng P7.37 bilyon at pinondohan ng loan agreement sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Korean Export-Import Bank (Korea Eximbank), ang proyekto ay magpapahusay sa kapasidad at kahusayan sa transportasyon na makakatulong sa Mindanao socio-economic development.
