Bantag at Zulueta et al. kinasuhan sa pagpatay kina Lapid at Villamor

NI JOY MADELIENE

Ipinagharap ng kaso ng prosekusyon ng Department of Justice (DOJ) sina suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at Ricardo Zulueta, dating deputy security officer ng una dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at ang umano’y middleman na si Jun Villamor.

Dalawang kaso ng murder ang ikinaso ng DOJ prosecutors laban kina Bantag at Zulueta gayundin ang self-confessed gunman na si Joel Escorial, Israel Dimaculangan, Edmon Dimaculangan, at isang nangngangalang Orlando.

Samantala, ipinagharap din ng kaso ang mga persons deprived of liberty (PDLs) na sina Denver Mayores, Alvin Labra, Aldrin Galicia, Alfie Peñaredonda, at Christopher Bacoto bilang principals by indispensable cooperation.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) may malinaw na ebidensya na may komunikasyon si Bantag at si Zulueta kina Mayores, Labra, at Galicia.

Si Galicia ang sinasabing nagplano sa pagpatay kay Lapid sa pamamagitan ng mga gang members at ng mga kakilala ng mga kaibigan nito sa NBP kung saan nasama si Escorial.

Para sa kasong murder ni Villamor, kasama sa kinasuhan sina Bantag, Zulueta, Labra, at Galicia bilang principals by inducement.

Habang ang mga PDLs  na sina Mario Alvarez, Joseph Georfo, Christian Ramac, Ricky Salgado, Ronnie Dela Cruz, Joel Reyes ay kinasuhan din bilang principals by direct participation.

Si Galicia ang sinasabing nagbigay ng instruksyon sa Sputnik gang member na si Georfo na ipinasa ang utos sa kapwa Sputnik gang member  na si Alvarez kung saan inatasan nito sina Salado, Ramac, Dela Cruz, at Reyes para patayin si Villamor sa pamamagitan ng suffocation gamit ang plastic bag.

“Accordingly, the Panel of Prosecutors respectfully recommends the approval of the two corresponding informations in the above entitled case,” ayon sa resolusyon ng DOJ prosecutors.

Magugunitang si Lapid ay binaril at napatay sa Las Piñas City noong Oktubre 3, 2022 habang si Villamor ay nasawi sa loob ng New Bilibid Prison.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s