
Ni NOEL ABUEL
Nakausap na ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Negros Oriental Rep. Arnie Teves na nanindigang nangangamba pa rin sa buhay nito kung kaya’t tumatangging bumalik na ng bansa.
Sinabi ni Romualdez na nakatanggap ito ng tawag sa telepono kagabi mula kay Teves na tumangging sabihin kung nasaang lugar ito upang iparating ang pangamba sa kaligtasan nito at ng kanyang pamilya.
“Cong. Arnie Teves got in touch with me through a phone call last night from an undetermined location. He expressed fear for the safety of his person and his family, saying this is the reason why he refuses to return home at this time,” sabi ng lider ng Kamara
Tinugon naman ni Romualdez ang pahayag ni Teves sa pagsasabing bilang pinuno ng Kamara ay tinitiyak nito ang kaligtasan ng lahat ng miyembro nito.
“I assured him that the Speaker, as the political and administrative leader of the House of Representatives, will exert all efforts to ensure the personal safety of all Members. In fact, I have ordered the House Sergeant-at-Arms to coordinate with law enforcement agencies and prepare appropriate security arrangements for his return,” paliwanag pa nito.
“Pero inulit ko rin kay Cong. Arnie, he needs to go home and report for work immediately as he no longer has the authority to travel outside the country. Gusto rin naming marinig sa Kongreso ang panig niya. Kung may kaso man siyang kailangang harapin, dapat niya itong harapin. Dito sa loob ng bansa, at hindi sa labas,” dagdag pa ni Romualdez.