Mababang bilang ng kumukuha ng STEM strand ikinabahala ni Sen. Gatchalian

56,000 civil engineers kailangan hanggang 2026

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng pagkabahala ang isang senador sa mababang bilang ng mga K12 students na kumukuha ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand sa senior high school at mas mababang bilang din ang hindi pumapasa sa Civil Engineering Board Exam.


Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, para sa school year 2022-2023, 23.24% lamang sa 2.8 milyong mag-aaral sa senior high school na na-survey ng Department of Education (DepEd) ang naka-enroll sa STEM strand.

Lumalabas naman na 41.4% lamang ang average passing rate sa civil engineering licensure exams mula 2017 hanggang 2022, katumbas ang average na 8,742 civil engineers taun-taon.

Sa kasalukuyan, merong mahigit 170,000 na lisensyadong civil engineers sa bansa.

Sinabi pa ni Gatchalian, tinataya ng private market research firm na GlobalData na aabot sa P3 trilyon ang halaga ng construction industry sa Pilipinas at inaasahan din na aabot sa 7 porsiyento ang annual growth rate ng industriya hanggang 2026, kung saan tinatayang aabot sa P4.20 trilyon ang market size nito.

Binigyang diin din ni Gatchalian na sa taong 2023, umabot sa P893.12 bilyon o 16.95% ng P5.27 trilyong national budget ang pondong nakalaan sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang pinakamalaking pondong inilaan sa imprastraktura mula 2019.

Idinagdag pa ng senador na kailangan ang dagdag na 56,000 civil engineers sa 2026, o halos 14,000 na bagong civil engineers taun-taon mula 2023 hanggang 2026.

Lumalabas din aniya na humigit-kumulang 2,486 BS Civil Engineering graduates ang umalis sa Pilipinas mula 2018 hanggang 2022.

“Kailangan nating dagdagan ang bilang ng mga mag-aaral sa ating human capital pool na handang pag-aralan nang husto ang civil engineering, makapasa sa board exams, at manatili sa ating bansa bilang civil engineers na tutulungan ang ating bansang maipatayo ang kinakailangan nating mga imprastraktura,” ani Gatchalian.

Upang mahikayat ang mas maraming mag-aaral na kumuha ng STEM strand sa senior high school, iminumungkahi ni Gatchalian na isali ang mga mag-aaral sa senior high school sa mga scholarship programs na una nang inaalok ng Department of Science and Technology – Science Education Institute sa mga mag-aaral sa kolehiyo.

Binigyang diin nito na kinakailangang maging updated ang STEM curriculum upang mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral pagdating sa civil engineering course.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s