
NI MJ SULLIVAN
Nakakaapekto sa buong Luzon ang Northeast Monsoon habang ang Low Pressure Area (LPA) ay nakataas sa Hinatuan, Surigao del Sur o sa silangan ng Southeast ng Davao City.
Sa inilabas na 24-hour pubic weather forecast, ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ganap na alas-3:00 ng madaling-araw nang mamataan ang LPA sa layong 340 km ng Hinatuan, Surigao del Sur o nasa 320 km ng Davao City.
Ang mga lalawigan sa Mindanao region tulad na Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Aurora ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan, pagkulot at pagkidlat na maaaring magdulot ng flash flood at landslide dahil sa epekto ng Northeast Monsoon, ng LPA at ng localized thunderstorms.
Habang sa malaking bahagi ng Visayas ay makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog pagkidlat na posibleng magdulot ng flash floods at landslides.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan dahil sa epekto ng Northeast Monsoon.