Daan-daang sari-sari store owners sa CamNorte, nabigyan ng kapital

Senador Alan Peter Cayetano

Ni NOEL ABUEL

Namahagi ng karagdagang kapital sa daan-daang sari-sari store owners sa Camarines Norte sa ilalim ng flagship program na ‘Sari-saring Pag -asa’ sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Pia Cayetano.

Ito ay bilang bahagi ng pagsisikap ng magkapatid na senador na palakasin ang micro at small business sa mga probinsya.

Sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), namahagi ang mga tanggapan ng dalawang senador ng tig-P3,500 na cash aid sa 300 may-ari ng sari-sari store mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

Sinimulan ni Senador Alan ang SSP noong 2021 bilang tugon sa krisis sa mga maliliit at malalaking negosyo na dulot ng COVID-19 pandemic.

Isinagawa ang pagbibigay ng tulong sa Labo, Camarines Norte sa pangangasiwa ni Camarines Norte 1st District Rep. Josefina Tallado kasama ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Hinimok ni Tallado ang mga benepisyaryo na gamitin ng wasto ang tulong na ibinigay sa kanila. Si Tallado ay anak din ng isang sari-sari store owner.

Isa dito si Derica Periera na mula sa munisipalidad ng Santa Elena, Camarines Norte. “Isa po kami sa pinakamalalayong lugar subalit kami po ay naabot ng programang ito. Kami po ay buong pusong nagpapasalamat kina Senator Alan Peter Cayetano at Senator Pia Cayetano,” sabi niya.

Ipinahayag ni Tallado ang kanyang buong tiwalang ipagpapatuloy ng mga Cayetano ang kanilang koordinasyon sa lokal na pamahalaan ng Camarines Norte.

“Sabi nga po ni Senator Alan at Senator Pia, simula pa lang po ito ng patuloy na pagbibigay sa atin ng mga programang ganito,” aniya.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s