
Ni MJ SULLIVAN
Muling niyanig ng malalakas na paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa datos ng Phivolcs, magnitude 5.3 ang tumama sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental ganap na alas-5:25 kanilang madaling-araw.
May lalim itong 006 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity I sa Don Marcelino, Davao Occidental at sa Malungon, Sarangani.
Inaalam pa rin kung ano ang naging danyos sa nasabing malakas na paglindol.
Samantala, tulad ng inaaasahan ay nagkaroon ng aftershocks kung saan naitala ang magnitude 4 na tumama dakong alas-5:49 ng madaling-araw.
Nakita ang sentro nito sa layong 310 km timog silangan ng Balut Island, sa bayan ng Sarangani.
Ang origin ay tectonic at may lalim na 031 km.