
Ni MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang ilang bahagi ng bansa makaraang maitala ang magnitude 4.7 na lindol sa Zambales ngayong araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-12:21 ng tanghali nang tumama ang lindol.
Nakita ang sentro ng lindol sa layong 013 km hilagang silangan ng Masinloc, Zambales na may lalim na 024 km at tectonic ang origin.
Naitala ang intensity IV sa lungsod ng Alaminos, atbBinalonan, Pangasinan; San Fernando City, Pampanga.
Intensity III naman sa mga lungsod ng Mandaluyong, at Quezon City;; Infanta, Aguilar, at Villasis, sa Pangasinan.
Habang intensity II naman sa lungsod ng Makati, at Baguio City; Bacnotan, La Union; Bolinao, Calasiao, at Santa Barbara, Pangasinan; Dagupan; Bocaue,
Bulacan; Bamban, Tarlac.
Intensity I naman sa lungsod ng Malabon, Manila, Marikina, Navotas at Pasay gayundin sa Pateros, at Santa Maria, Bulacan.
Samantala sa instrumental Intensities ay naitala ang intensity III sa Infanta, Pangasinan; Santa Ignacia, Tarlac; Cabangan, at Iba, Zambales.
Intensity II sa Santol, La Union; Orani, Bataan; Cuyapo, Nueva Ecija; Bamban, at lungsod ng Tarlac, Tarlac; lungsod ng Olongapo.
Intensity I sa mga lungsod ng Marikina, Quezon at Pasay; lungsod ng Vigan, Ilocos Sur; Bolinao at syudad ng Urdaneta, Pangasinan; Abucay, at Dinalupihan, Bataan;
Calumpit, Malolos, Plaridel, at San Ildefonso, Bulacan; lungsod ng Gapan, at San Jose City, Nueva Ecija; Guagua, at Magalang, Pampanga; Ramos, Tarlac; at Subic, Zambales.
Inaasahan din ang pagkakaroon ng aftershocks sa mga susunod na araw.