Pagkontrol sa pagkonsumo ng asin suportado ng kongresista

Rep. Ray Reyes

Ni NOEL ABUEL

Suportado ng AnaKalusugan party list ang panawagan ng World Health Organization (WHO) na magpatupad ng mas maraming polisiya na mabawasan ang pagkonsumo ng asin ng mga Filipino.

“AnaKalusugan has always been active in pushing for legislation that will promote the health of Filipinos and we are one with the World Health Organization in pushing for more effective strategies to reduce salt intake,” ayon kay Anakalusugan party list Rep. Ray Reyes.

Ayon sa WHO, ang mga nakatatanda ay dapat lamang kumonsumo ng hindi lalagpas ng 2,000 mg ng asin kada araw.

Subalit, base sa datos mula Oktubre ng nakalipas na taon, ang Pilipinas ay nakapagtala ng arawang dietary sodium intake na 4,113 mg.

“Reducing our salt intake will not only improve our health but also lower the risk of high blood pressure, heart disease, stroke, and premature death,” sabi ni Reyes.

Sa datos pa ng WHO, ipinapakita na 20 porsiyento ng mga Filipino adults ay nagkakaroon ng high blood pressure at 35 porsiyento ng mga nasasawi ay dahil sa  cardiovascular disease.

“Lasting and meaningful change always starts from within. We urge our kababayans to put less salt to the food they prepare and buy foods that contain less sodium,” ayon pa kay Reyes.

Muling iginiit ni Reyes na ang AnaKalusugan party list ay patuloy na magsusulong para sa kalusugan sa mga patakaran ng pamahalaan, partikular sa paglalaan ng mga mapagkukunan at ang mahusay na pagpapatupad ng pangkalahatang pangangalaga sa kalusugan.

“Aside from this, we will continue to push for measures that we have spearheaded in Congress, including free medical checkups and the removal of value added tax on maintenance medicines,” dagdag pa nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s