
Ni NOEL ABUEL
Tahasang tinutulan ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang nalalapit na war games sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.
“The Philippines should not proceed with the scheduled joint training exercises with US troops next month to avoid getting caught in the middle of tensions between the United States and China,” ayon sa militanteng mambabatas.
“Kailangan pag-isipan ng gobyerno, at ng security forces ano ‘yung magiging effect n’yan sa ating bansa. At this time na mayroon conflict ang US at China, talagang we will be at the middle at mahirap malagay sa gitna ng nag-uumpugang bato lalo pa at ang mamamayan natin ang maaapektuhan,” dagdag p nito.
“Dapat gayahin ng Pilipinas ang mga bansa tulad ng Indonesia at Malaysia na nagtataboy sa panghihimasok ng Tsina sa kanilang teritoryo sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanilang gas fields bukod pa sa pagpapatawag sa embahador ng Tsina at mga diplomatic protests,” aniya pa.
Sinabi pa nito na ang kailangan ng pagbabantay na laban sa mga mananakop ang tutukan ng AFP dahil mas tumitindi na ang tensyon sa kasalukuyan.
Noong nakaraang linggo, Sinabi ni Balikatan 2023 spokesperson Col. Michael Logico na mahigit sa 17,000 Filipino at US troops ang magiging bahagi ng naturang training exercises.