Panukalang pipigil sa dagdag na Philhealth premium aprubado na sa Kamara

Ni NOEL ABUEL

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na suspendehin ang dagdag na pagbabayad ng premiums ng direct contributors sa Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth).

Sa botong 273 pabor, tatlo ang tutol at zero abstensions, ipinasa sa ikatlong pagbasa ang House Bill No. 6772 na iniakda ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, na mag-aamiyenda sa RA 11223, na nagsususpende sa dagdag na kontribusyon na magreresulta ng pagtitipid ng milyun-milyong government at private sector workers, professionals, self-employed, at iba pang Philhealth contributors na nakaka-recover sa COVID-19 pandemic.

Aniya, ang mga daily wage earners at maraming empleyado, na binubuo ng mayorya ng mga miyembro ng Philhealth, ay makakatipid ng hindi bababa sa P50 kada buwan o P600 kada taon mula sa kanilang health insurance premium payment kung masususpende ang adjustment at ang mga kumikita ng mas malaki ay mas makakatipid.

“Suspending the imposition of the new Philhealth premium rates will provide a much-needed relief during national emergencies or calamities and will assure Filipinos that the government is sensitive to their sentiments in this difficult time,” ayon pa kay Romualdez.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11223, o mas kilalang Universal Health Care Act, ang kontribusyon ay nadagdagan mula sa 4 porsiyento noong nakaraang taon ay magiging 4.5 porsiyento ngayong taon o mula percent sa minimum monthly premium na P400 hanggang P450 at tataasan din ito ng 5 porsiyento simula sa susunod na taon.

Kabilang din sa mga nagsulong ng panukala sina Majority Leader Jose “Mannix” Dalipe, Senior Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos, at sina Tingog Sinirangan Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre.

“The President of the Philippines may, upon recommendation of the Philhealth board, suspend and adjust the period of implementation of the scheduled increase of premium rates during national emergencies or calamities, or when public interest so requires,” nakasaad sa panukala.

Sinabi pa ng mga ito na ang HB 6772, ay naglalayong mas pagtibayin ang Universal Health Care Act, na masiguro na ang lahat ng Filipino ay makikinabang sa quality and affordable health care goods and services, at maproteksyunan laban sa financial risk.

“The intent of the law is clear and cannot be overemphasized. Filipinos need and deserve a comprehensive set of health services that are cost-effective, high quality, and responsive to the requirements of all citizens,” anila.

Base sa naging kumputasyon ng Philhealth ngayong taon, ang mga kumikita ng P10,000 pababa ay magbabayad ng premium na P450, habang ang mga kumikita naman ng mahigit sa P10,000 pataas hanggang P89,999.99 ay magko-contribute ng P450 hanggang P4,050, samantalang ang kumikita ngP90,000 o higit pa ay P4,050.

“While Philhealth only aims to fulfill and remain faithful to its mandate, imposing a higher premium on Filipinos in these current conditions where most of them are grappling with the pandemic will definitely enforce a new round of financial burden to its members,” ayon pa sa mga kongresista.

Iginiit din ng mga ito na ang bansa ay halos hindi nakabangon mula sa mga pagkalugi at paghihirap dulot ng pandemya, dahil maraming mga negosyo ang hindi pa muling nagbubukas at maraming tao ang nananatiling walang trabaho.

Sinabi pa ni Romualdez na mismong si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang nagsabing suportado nito ang pagpapaliban ng dagdag sa Philhealth premiums.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s