BI handa na sa Semana Santa

Ni NERIO AGUAS

Tinitiyak ng Bureau of Immigration (BI) na sapat ang bilang ng mga tauhan nito na magbibigay ng serbisyo sa mga lokal at dayuhang turista na darating at aalis ng bansa sa Semana Santa.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, karagdagang 155 immigration officers ang ipakakalat sa mga paliparan at pantalan sa buong bansa.

Sinabi ni Tansingco na ipinag-utos na nito sa mga pinuno ng BI terminals na tiyakin na ang lahat ng mga counter ay fully manned sa peak season.

“We have deployed additional personnel to service travelers during the holy week, when we expect a significant rise in travelers,” sabi ni Tansingco.

Aniya, itinalaga ang mga immigration officers sa iba’t ibang tanggapan ng ahensya, at pansamantalang inilagay sa Clark International Airport at sa mga terminals 1, 2, at 3 ng Ninoy Aquino International Airport.

Sa pagtataya ng BI, inaasahan na nasa 40,000 pasahero ang darating at aalis ng bansa simula sa susunod na linggo.

Maliban dito, nasa 140 dagdag na puwersa ng BI personnel ang ipakakalat sa susunod na taon.

“Airport authorities also committed to expand the immigration area, to really ease up the congestion particularly in NAIA Terminal 3. Right now the area is small, but once expanded, we will be able to add more counters and more immigration officers to service departing passengers,” sabi ni Tansingco.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s