Sen. Revilla nagpasalamat sa mataas na performance ratings

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng pasasalamat si Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa mga Pilipino dahil umabot ng 85% ang kaniyang performance rating sa nagdaang ‘Boses ng Bayan’ survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD), isa sa nangungunang public opinion poll bodies sa bansa kung saan pumangalawa ito sa lahat ng mga senador.

“Nakatataba ng puso na nakikita at nadadama ng ating mga kababayan ang ating pagpupursige at pagsisikap para tugunan ang kanilang mga pangangailangan, at itaguyod ang kanilang kapakanan. Napakalaking inspirasyon ito para higit pa tayong magsikap sa ating tungkulin,” pahayag ni Revilla.

Buong-pusong pagpapasalamat ang inihandog ng butihing senador dahil sa mataas na kumpiyansa at tiwala na ibinigay sa kaniya ng kaniyang mga tagasuporta.

“Ang mga numerong ito ay repleksyon lang ng pagtingin sa amin ng mga tao base sa pagsusuri nila kung gaano kaayos namin ginagampanan ang aming mga trabaho bilang lingkod-bayan. Kaya nagpapasalamat ako sa tuluy-tuloy na tiwala at kumpiyansa na binibigay sa akin ng taumbayan. Sisiguruhin kong hindi nasasayang ang mandato na binigay nila sa akin,” sabi pa nito.

Si Revilla na aktibo sa pagsusumite ng mga panukalang batas na nagbebenepisyo sa iba’tbibang sektor ng lipunan ay isa sa pinakamasipag at kabilang sa kaniyang mga isinumite ay ang pag-aamiyenda ng Centenarians Act of 2016 para mapakinabangan pati ng mga senior citizen na may edad 80 at 90-anyos.

Isinusulong din ni Revilla ang pagpapatupad ng SBN 1964 o ang ‘Kabalikat sa Pagtuturo Act’ na naglalayong gawing permanente ang Teaching Supplies Allowance ng mga public school teachers para makasasapat sa aktuwal nilang gastusin sa kanilang pagtuturo.

Bukod sa Senado, abala rin si Revilla sa regular na pagtulong sa pamamagitan ng kaniyang Bayanihan Relief Operations sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang tumugon sa mga biktima ng kalamidad tulad ng bagyo, lindol, sunog, pagbaha at mga kahalintulad na trahedya.

Hindi nagsasawa si Revilla sa pamamahagi ng cash assistance, family food packs at iba pang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad at isa sa pinakahuli niyang tinulungan ay ang mga naapektuhan ng Mindoro oil spill.

“Wala tayong ibang hangarin kung ‘di ang pagsilbihan ang bayan. Kung ano man ang pagkilala na natanggap natin ngayon, ito ay bunga lang ng ating serbisyo na nagmula sa pagtitiwala ng mga Pilipino. Kaya mas galingan pa natin sa susunod – because the Filipino people deserve no less,” paliwanag pa ni Revilla.

Ang “Boses ng Bayan” ay isang nationwide survey na isinasagawa sa lahat ng rehiyon sa buong bansa mula Pebrero 25 hanggang Marso 8 ng taong kasalukuyan na may kabuuang 10,000 adult respondents.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s