
Ni NERIO AGUAS
Lahat gagawin ng mga ilegal na dayuhan para lamang makalusot palabas ng Pilipinas.
Subalit hindi ito mapapalampas ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na mahigpit ang pagbabantay sa mga paliparan at pantalan sa buong bansa.
Pinakahuling nadakip ng BI ng isang Chinese national na nagpakita ng pekeng Mexican passport sa mga immigration personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco nasabat sa NAIA Terminal 1 ang Chinese national na si Lho Zhi Min, 53-anyos, na nagtangkang umalis ng bansa patungong Kuala Lumpur sakay ng Malaysia Airlines flight Sabado ng gabi
Nabatid ng nagpapakita ng Mexican passport ang nasabing dayuhan nang dumaan ito sa primary inspection ngunit nang tanungin ay hindi makasagot nang direkta.
Dahil dito nagduda ang immigration personnel sa ipinakitang dokumento ng dayuhan kung kaya’t nang sumailalim ito sa tertiary inspection at siniyasat ng BI’s forensic documents laboratory kung saan nakumpirma na peke ang nasabing pasaporte.
Agad na inaresto si Lho at ipinagharap ng kasong paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.
Kasalukuyang nakadetine ang nasabing dayuhan habang nakadetine sa BI detention facility sa Bicutan, Taguig habang inihahandan ang gagawing pagpapatapon pabalik ng bansa nito.