EDCA sites haharangin ng Senado

Sa bantang pagtiigl sa tulong ng US sa Pilipinas

Senador Ronald “Bato” dela Rosa

NI NOEL ABUEL

Nagbanta si Senado Ronald “Bato” dela Rosa na haharangin nito ang plano ng gobyerno ng Estados Unidos na maglagay ng apat na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.

Ito ang pahayag ni Dela Rosa hinggil sa inihaing panukala ng isang miyembro ng US Congress na harangin ang mga tulong na ibinibigay ng US sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP)  kung hindi mapapanagot ang mga sangkot sa human rights violations.

“Kung may pulitiko silang ganu’n, putulin na rin natin ang EDCA sites ninyo dito sa Pilipinas,” sabi ni Dela Rosa.

Nanindigan din ito na kung tutuusin ay mas kailangan ng US ang Pilipinas ngayon at hindi ang Pilipinas ang mas may kailangan sa US kung kaya’t walang mawawala sa bansa.

“Hindi naman nararamdaman ang tulong ng US kahit ang Balikatan. Wala tayong magagawa kung gusto nilang gawin, huwag nating payagan na hawakan tayo sa ilong. Wala silang pakiaalam sa internal affairs natin,” sabi ni Dela Rosa.

“Putulin namin ang EDCA sites ninyo dito. Anong klaseng relations ito, one way? Hanggang ngayong colonial mentality lang sila,” dagdag pa ng senador.

Tugon ito ni Dela Rosa sa inihaing House of Representatives No. 1433 o ang Philippine Human Rights Act ni Democratic Rep. Susan Wild na nagsasabing harangin ang tulong ng US sa Pilipinas dahil umano sa mga paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng drug war ng nakaraang administrasyon.

Kasama sa panukala na atasan ang sinumang US president ang US representatives sa multilateral development banks tulad ng World Bank na tutulan ang anumang utang para sa AFP.

Sinabi pa ni Dela Rosa, na handa rin nitong magpatawag ng sariling imbestigasyon sa Senado at imbitahan ang International Criminal Court (ICC) representatives upang ipakita na pawang haka-haka lamang ang sinasabing human rights violations ng mga awtoridad.

Ayon naman kay Senador Robinhood Padilla, nakakainsulto ang akusasyon ng ICC na hindi gumagana ang hustisya sa bansa.

“’Yung ibinabato sa atin ng ICC nakakainsulto ito, hindi ito dapat tanggapin nating mga Filipino, na tayong mga Filipino ay engot dahil ang gobyerno natin hindi tumakbo ng maayos. Eh baka naman mas engot sila,” sabi ni Padilla.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s