Online job scammers hagilapin– Rep. Villar

Ni NOEL ABUEL

Pinaiimbestigahan ni House Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar ang patuloy na paglaganap ng mga scammers na bumibiktima sa mga kabataang Pilipino.

Sa inihain nitong House Resolution 899, sinabi ni Villar na kailangan ng isang “full-blown investigation” para ilantad ang mga nasa likod ng illegal recruitment ring at ituloy ang crackdown laban sa mga scammers.

“There have been countless reports of Filipinos being victimized by local placement agencies for non-existent jobs abroad and syndicates offering high-paying jobs but the jobseeker ends up in a dubious cryptocurrency group,” ani Villar. 

Nagbigay rin ng babala si Villar sa mga kabataang Pilipino na naghahanap ng trabaho laban sa mga human trafficking syndicate na umaakit sa mga tao sa pamamagitan ng social media na iligal na magtrabaho para sa mga kahina-hinalang kumpanya sa ibang bansa, partikular na ang mga grupong naglalagay ng mga sinasabing job posting o nagkokomento sa mga trending na post sa mga social media platform upang ipakita na makukuha ang pangarap nilang trabaho.

Una nang nasagip ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na biktima ng cryptocurrency ring sa ibang bansa na pinangakuan ng buwanang suweldo na P40,000 kada buwan at $800 hanggang $1,000.

Sa impormasyong nakarating sa tanggapan ni Villar ay nagsiwalat na ilang manggagawa na bumalik sa bansa ay hindi man lang nabigyan ng kanilang ipinangakong suweldo sa tagal ng kanilang pananatili sa ibang bansa.

“Stories of Filipinos being victimized into working abroad legitimately but end up working as scammers instead underscore the need for the government to aggressively pursue policies that would better protect them from illegal recruiters and international syndicates,” ayon pa sa mambabatas.

Ang gobyerno ng Pilipinas, ani Villar, ay dapat tiyakin ang proteksyon ng mga Pilipino at maiwasan ang mga kasong ito na mangyari dahil ang ilegal na recruitment ay naglalagay sa buhay sa mga Pilipino sa malaking panganib.

“While it is the duty of the government to provide decent jobs for its citizens to prevent them from leaving, it is also of equal importance that the government protect its citizens seeking employment abroad from scammers and syndicates,” giit pa ni Villar.

Leave a comment