PNP official na sangkot sa P6.7B drug bust iimbestigahan ni Revilla

Ni NOEL ABUEL

Pinaiimbestigahan ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang pagkakasangkot ng isang high-ranking official ng Philippine National Police (PNP) sa P6.7 bilyong drug bust.

Sa Senate Resolution No.564 na inihain ni Revilla, inatasan nito ang kinauukulang komite ng Senado na magsagawa ng legislative inquiry hinggil sa pagkakasangkot ng mataas na opisyal ng Pambansang Pulisya sa illegal na droga

Sa isang press briefing ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin C. Abalos Jr., nadakip ang suspek na si Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr., sa isinagawang drug buy-bust operation noong Oktubre 8, 2022 sa Tondo, Manila.

“Binibigyang pugay natin si Secretary Abalos hinggil sa pag-aksiyon sa napakalaking kasong ito. Nakalulungkot na may mga bulok pa rin sa organisasyon kaya’t kailangan ng masusing imbestigasyon para hindi na pamarisan”, pahayag ni Revilla.

Ibinulgar ni Abalos na tinangka pang itago ang naganap na pag-aresto kay Mayo na nag- iingat ng P6.7 bilyong halaga ng illegal na droga at posibleng hindi nag- iisa si Mayo, base sa fact -finding investigation na isinagawa ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Sa naturang press briefing, ipinanuod ni Abalos ang CCTV footage kung saan makikita ang ilang matataas na opisyal ng PNP sa naganap na buy- bust at ang video ay nagpapakita ng senaryo base sa nilalaman ng report na isinumite ng PNP.

Ang mga opisyal ng PNP na nasa video footage ay nakilalang sina Police Lt. General Benjamin Santos Jr., na noon ay deputy chief for Operations; Brig. Gen. Narciso Domingo, director ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG); Col. Julian Olonan, chief ng PDEG- Special Operations Unit (SOU); Capt. Jonathan Sosongco, namuno sa PDEG- SOU Region 4-A arresting team.

Kasama rin sina Lt. Col. Arnulfo Ibañez, OIC ng PDEG- SOU National Capital Region ( NCR); Maj. Michael Angelo Salmingo, deputy ng PDEG- SOU NCR; Lt. Col. Glenn Gonzales ng Quezon City Police District; Lt. Ashrap Amerol, intelligence officer ng PDEG Intelligence in Foreign Liaison Division; Lt. Col. Harry Lorenzo, Manila Police District- Moriones Station Commander at Capt. Randolph Piñon, chief ng PDEG- SOU 4-A Intelligence Section.

“Napakalalim na ng narating ni Secretary Abalos hinggil sa kasong ito, at ito ang dahilan ng paghiling natin sa Senado na imbestigahan ang pangyayaring ito para managot ang may sala,” paliwanag ni Revilla.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s