Mga senador at kongresista nakiramay sa pagpanaw ni ex-DFA Sec. Del Rosario

NI NOEL ABUEL

Nagpahatid ng pakikiramay ang mga senador at kongresista sa pagpanaw ni dating Department of Foreign Affaris (DFA) Sec. Albert del Rosario.

Ipinarating ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pakikiramay at nalungkot sa pagpanaw ni Del Rosario na malaki ang naiambag sa pamahalaan noong naupo ito sa pamahalaan.

“Our country has just lost a consummate diplomat, a humble and conscientious public servant and civilian, and a staunch and passionate defender of national sovereignty,” ani Romualdez.

Aniya, maaalala ng mga Filipino si Del Rosario sa matigas na paninindigan sa pagtatanggol sa territorial waters ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“Our thoughts and prayers go to his loved ones, friends, associates, colleagues in government, and most especially to his family, at this most difficult time,” ayon pa kay Romualdez.

Sinabi naman ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto na si Del Rosario ay nakilala dahil sa magaling at maayos na pamamalakad nito sa DFA noong maupo sa posisyon.

“There was no better advocate of Philippine interest, no braver defender of our OFWs, no bolder champion of our sovereignty than him when he was the Republic’s top diplomat. He was eloquent in speech and refined in manners. Whether it was to cooperate with governments or contest their actions, he articulated our position in a convincing but dignified way, earning for him the admiration of peers, and for the country the respect of nations,” sabi ni Recto.

Ayon naman kina Senador Grace Poe at Senador Francis Tolentino, nagparating ang mga ito ng pakikiramay sa mga naiwang pamilya ni Del Rosario.

“We mourn the passing of a diplomat par excellence and offer prayers for his family. We will always hold Secretary ADR in high esteem for his firm diplomacy and dignified demeanor in fighting for the interest of our countrymen,” ayon pa kay Poe.

Sa panig naman ni Tolentino, sinabi nitong hindi makakalimutan si Del Rosario lalo na sa pagtatanggol nito sa West Philippine Sea (WPS) laban sa China.

“I offer my prayers for the eternal repose of the soul of former Sec. Albert del Rosario. He will always be remembered for his consistent stand in protecting our national territory specially the West Philippine Sea. May he rest in peace,” sabi pa nito.

Si Del Rosario, 83-anyos ay pumanaw ngayong Abril 18 habang patungo sa San Francisco, USA.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s