Pagpapalawak ng relasyon sa seguridad at ekonomiya ng PH-US tiniyak ni Romualdez

Si U.S. Representative Young Kim ng House California’s 40th District at chair ng House Foreign Affairs Subcommittee on the Indo-Pacific, na nakipagpulong kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na tinalakay ang defense and security engagement ng PH-U.S. bilateral relations. 

Ni NOEL ABUEL

Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., ay pagsusumikapan ng pamahalaan ang pagpapalawak ng relasyon sa ekonomiya ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon sa lider ng Kamara, ang hakbang na ito ay higit na magpapahusay sa trade and investment cooperation, at lilikha ng mga pagkakataon para sa napapanatiling paglago ng ekonomiya.

Sinabi ito ni Romualdez, kasunod ng pagpupulong ng kanyang delegasyon sa Kongreso sa isang mambabatas ng US sa Washington D.C. Martes ng madaling araw (oras sa Pilipinas).

Nakipagpulong si Romualdez kay US Representative Young Kim (California-40th congressional district), chair ng House Foreign Affairs Subcommittee sa Indo-Pacific, sa US Capitol kasama ang mga miyembro ng kanyang delegasyon kabilang sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Navotas City Rep. Tobias “Toby” Tiangco, Agusan del Norte 1st District Rep. Jose “Joboy” S. Aquino II, Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” del Gallego Romualdez, House Secretary General Reginald “Reggie” Velasco, at House Sergeant-at-Arms retired PMGEN Napoleon C. Taas.

“We asked for the continued US congressional support for defense and economic security. On top of our strong military security with the United States, Rep. Kim has vowed to work with us to further strengthen and expand the country’s economic security with them. This partnership will boost productivity, drive economic growth, and generate new jobs,” ayon kay Romualdez.

Inihayag nito na ang delegasyon ni Rep. Kim ay bibisita sa Pilipinas sa Nobyembre ng kasalukuyang taon para lalong patatagin ang kanilang kasunduan na palawakin ang kooperasyong pang-ekonomiya ng PH-US.

Naalala ni Romualdez na sa mga kamakailang pakikipag-ugnayan ay paulit-ulit na idiniin ng US ang estratehikong kahalagahan ng Pilipinas, gayundin ang pananaw ng PH-US alliance sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific.

Binigyan-diin ni Romualdez ang kahalagahan ng pagpapalakas ng ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pamumuhunan sa pakikipagtulungan sa US para sa mas magandang kinabukasan ng mamamayang Pilipino.

“Our strong strategic economic partnership will enhance economic cooperation that is very important for sustainable growth and development,” aniya pa.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s