Alagang Tingog Centers pinalawig pa ng Tingog party list

Rep. Yedda Marie Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Mas maraming tao ang maaaring maka-avail ng mga serbisyo ng gobyerno na mas malapit sa kanilang mga tahanan kasunod ng paglulunsad ng tatlo pang Alagang Tingog Center (ATC) sa lalawigan ng Davao del Norte.

Ito ang sinabi ni Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez at ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kung saan pinalawig ang outreach program sa pamamagitan ng inagurasyon ng magkahiwalay na ATCs sa Tagum City at sa munisipalidad ng Asuncion at San Isidro.

Una nang inilunsad ng Tingog ang pormal na pagbubukas ng ATC sa Samal Island, Panabo City, at sa bayan ng Carmen.

“Consistent with Tingog’s mission to bring forth change, hope, and progress, we are pursuing the mission to reach out to more people, especially those in remote areas, to make it easier for them to avail of government services,” sabi ni Rep. Romualdez.

Pinasalamatan din ni Rep. Romualdez, asawa ni Speaker Romualdez, ang mga kinauukulang lokal na opisyal sa kanilang kooperasyon at tulong sa pagtatatag ng mga ATC sa kani-kanilang nasasakupan gayundin ang mga taga-Davao Del Norte sa kanilang mainit na pagtanggap.

“Salamat po sa lahat ng ating local officials sa suporta nila ganu’n din po sa ating mga kababayan sa Davao del Norte sa mainit nilang pagtanggap. Huwag po kayong mag-atubili na pumunta sa ating mga ATC at makakaasa kayo na gagawin namin ang aming makakaya upang maihatid sa inyo ang karampatang serbisyo,” sabi nito.

“With these new ATCs, many of our people in the province of Davao del Norte can enjoy needed government services practically next to their doorstep, sparing them the inconvenience of traveling to urban centers for this purpose. I hope and pray for the success of this endeavor so we can reach out to more people in the future,” sa panig naman ni Speaker Romualdez.

Sa pagbubukas ng mga karagdagang ATC sa lalawigan ay sinimulan sa isang ribbon-cutting ceremony na pinangunahan ni Davao del Norte Vice Governor Oyo Uy at House Deputy Secretary General Ponyong Gabonada.

Sina Vice Gov Uy at DSG Gabonada ay kasama ni Asuncion Mayor Eufracio Dayaday sa inagurasyon ng ATC sa munisipyo ng Asuncion, habang si Tagum Mayor Rey Uy ay naroroon para suportahan ang pormal na pagbubukas ng bagong public assistance center sa kanyang lungsod.

Kasunod ng inauguration rites, sinimulan ng ATC ang kanilang mga serbisyo sa pamamahagi ng P2,000 na tulong pinansyal sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Nasa 500 residente ng San Isidro ang unang nakatanggap ng AICS, habang 500 benepisyaryo mula sa sektor ng transportasyon ang nakatanggap ng parehong tulong sa Asuncion.

Sa kabilang banda, may kabuuang 1,700 magsasaka ang nakatanggap ng payout sa Tagum City.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s