
Ni NERIO AGUAS
Bumagsak na sa kamay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean national na wanted sa bansa nito.
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang nadakip na dayuhan na si Park Sang Hyun, 63-anyos, ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental noong Abril 19.
Sinabi ni Tansingco na armado ng warrant of deportation ang mga arresting agent na alinsunod sa deportation order na inilabas ng BI board of commissioners laban sa Korean noong Nobyembre ng nakaraang taon.
“He will be deported as soon we have obtained the required clearances for his departure. Consequently, he is perpetually banned from re-entering the Philippines due to his inclusion in our immigration blacklist of undesirable aliens,” sabi ng BI chief.
Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy si Park ay may arrest warrant na inilabas noong 2019 ng district court sa Incheon.
Kinasuhan ito sa nasabing korte ng fraud dahil sa umano’y panloloko sa isa pang Koreano noong 2017 ng mahigit US$61,000.
Sinasabing inakusahan si Park ng pagtanggi sa kanyang pangako na ihahatid sa biktima ang mga segunda-manong damit na balak nitong ibentang muli online.
“He is also an undocumented alien as a result of the cancellation of his passport by the Korean, government,” ani Sy.
Dinala na sa BI’s facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang nasabing dayuhan habang hinihintay ang pagpapatapon dito pabalik ng Korea.