LTO suportado ng 1-Rider party list sa 3 taong bisa ng rehistro ng bagong motorsiklo

Rep. Rodge Gutierrez

Ni NOEL ABUEL

Pinuri ng isang kongresista ang Land Transportation Office (LTO) sa desisyon nitong gawing 3 taon ang bisa o validity ng lahat ng mga bagong motorsiklo sa bansa.

“This is welcome a development, specially sa panig ng motorcycle community na tulad namin, actually ipinagpapasalamat namin ang naging desisyong ito ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa kabila ng napakarami nilang kinakaharap na suliranin sa kanilang tanggapan ay naiisip pa rin nila ang kapakanan ng mga nagmomotorsiklo sa bansa,” pahayag ni 1-Rider party list Rep. Rodge Gutierrez.

Batay sa kasalukuyang panuntunan na alinsunod sa Republic Act 4136 at Republic Act 11032, ang mga motorsiklong may makina o engine displacement na 201cc pataas lamang ang mayroong tatlong taong bisa ng initial registration sa LTO.

Makaraan ang mga pag-aaral ng ahensiya ay nagdesisiyon na itong gawin na ring tatlong-taon ang bisa ng rehistro kahit sa mga motorsiklong may makina na 200cc pababa alinsunod sa Memorandum Circular No. JMT-2023-2395.

“Marami sa aming mga ‘kagulong’ ang matutuwa sa hakbanging ito ng LTO dahil malaking tulong ito na mapagaan ang proseso at transaksiyon ng ating mga kababayan na hindi na kailangang magpabalik-balik pa sa naturang ahensiya para lamang magparehistro,” paliwang ni Gutierrez.

Sinabi pa nito na wala itong nakikitang problema sa roadworthiness ng mga mas maliliit na motorsiklong bago kahit na iparehistro ng tatlong taon at higit sa lahat ay tinatayang nasa dalawang milyon na bagong magpaparehistro ng motorsiklo na 200cc pababa ang makikinabang sa bagong polisiyang ito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s