P150 wage hike tatalakayin sa pagbabalik ng Senado– Estrada

Ni NOEL ABUEL

Tinitiyak ni Senador Jinggoy Estrada na sa pagbabalik ng mga ito mula sa bakasyon ay isasalang sa komite ang panukalang inihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri na pagkakaloob ng P150 legislated nationwide across-the-board wage.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, sinabi nitong agad na magpapatawag ito ng public hearing kaugnay ng panukalang dagdag sahod sa mga tumatanggap ng kasalukuyang antas na sinasahod ng mga manggagawa.

Ngunit nilinaw ng senador na aalamin nito sa Department of Labor (DOLE) at sa iba pang stakeholders kung kakayanin ng mga ito ang P150.00 na dagdag sahod.

“Aalamin natin kung kakayanin ang P150 wage increase ng mga employers kasi kung aaprubahan ng Kongreso baka naman malugi ang mga negosyo sa bansa,” sabi nito.

Magugunitang inihain ni Zubiri ang P150 increase sa arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ayon sa records ng Senado, ipinasa ang SBN2179 noong 14th Congress; SBN1981 noong 15th Congress; SBN937 noong 16th Congress; SBN71 noong 18th Congress; at SBN2018 ngayong 19th Congress.

Inalala pa ni Estrada noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo, ipinasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang P125 wage hike subalit sa huli ang binawi ng mga kongresista ang kanilang bersyon kung kaya’t hindi ito tuluyan itong naging batas.

Leave a comment