Housing program sa mga OFWs isinulong ng OFWs party list

Ni NOEL ABUEL

Magandang balita para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya.

Ito ay matapos pumasok sa isang memorandum of agreement si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino “Jerry” Acuzar at si OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino para sa Pambansang Pabahay Program para sa mga OFWs.

Sinabi ni Magsino na isa sa mga pangarap ng isang OFWbay makapag-ipon sa pamamagitan ng pagpapagal sa ibang bansa para sa isang bahay na matatawag nilang sarili.

Dahil dito, nakipag-ugnayan ang OFW party list kay DHSUD Secretary Acuzar para isama ang mga OFWs bilang benepisyaryo ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program ng gobyerno.

“Lubos akong nagpapasalamat kay Pangulong Marcos, kay Secretary Acuzar, at sa buong DHSUD sa agarang aksyon na maisakatuparan ang isa sa pinakatanging pangarap ng ating mga OFWs — ang magkaroon ng sariling tirahan. Sa kabila ng kanilang sakripisyo para sa pamilya at malaking kontribusyon sa ating ekonomiya, panahon na talagang magkaroon ang ating mga OFWs, lalo na ang mga nasa elementary occupations, na magkaroon ng disenteng tahanang kanilang maipupundar para sa pamilya sa halagang hindi magiging pabigat sa kanila,” paliwanag ni Magsino.

Kasama sa memorandum of areement ang paglalaan ng mga unit sa housing projects ng DHSUD sa mga OFW, returnees, at miyembro ng kanilang pamilya.

Ipagkakaloob ng DHSUD ang mga detalye ng mga proyektong pabahay na maaaring itugma ng OFW party list sa mga OFWs na nagpahiwatig ng kanilang intensyon na maging benepisyaryo.

Pagkatapos nito ay pamamahalaan ng DHSUD ang assessment at pre-qualification ng mga na-validate at naendorso na mga benepisyaryo ng proyekto.

Sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng ahensya, layon nito na pagsilbihan ang mga pangangailangan sa pabahay ng bansa, na kasalukuyang tinatayang nasa anim at kalahating milyon, sa pamamagitan ng pag-target na magtayo ng isang milyong yunit ng pabahay bawat taon para sa susunod na anim na taon.

Sa kasalukuyan, ang DHSUD ay pumirma ng mga kasunduan sa isang daan dalawampu’t tatlong (123) local government units para sa mga proyektong pabahay sa buong bansa.

Ang kagawaran ay mayroong tatlong daan at animnapu’t apat (364) na kasalukuyang proyekto, sampu (10) dito ay patuloy na mga konstruksyon sa Bacolod City, Marikina City, Quezon City, Tanauan City, Palayan City, Binan City, Zamboanga City, Ilagan City, Roxas Province at lalawigan ng Northern Samar.

“Prior to being a legislator, I was actively involved in the housing industry as Chairlady of the National Real Estate Association, thus, there is a strong bond that ties up two of my primary advocacies: that of providing decent and affordable housing to our people, and that of the aspiration of our OFWs to realize their long-cherished dream of acquiring their own homes for their families, upon their return and retirement. That is why I consider our Pambansang Pabahay Program para sa mga OFWs with DHSUD a major accomplishment in my first term as Representative of the OFW Party List,” sabi pa ni Magsino.

Advertisement

4 Comments

  1. Sana naman lahat mag karoon gaya ko matagal sa ofw wala man lang sariling bahay sana mapatuyan yan sa tagal ko sa saudi halos pili lang ang natutulongan lalo na kong na media na o social media !

    Like

  2. aq poh c erma brosas isang single mom ngwowork us domestic helper d2 s bansang arabo…sna isa poh aq makaavail ng pabahay pra s aming ofw…sana poh mapansin nyo poh ang aking munting hilinb n mgkabahay🙏🙏

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s