Philippine ambassador sa Beijing pauwiin na! — solon

Bilang protesta sa panibagong insidente sa WPS

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na agad ipa-recall ang ambassador ng bansa sa Beijing bilang protesta sa panibagong insidente ng near-end collision sa West Philippine Sea.

“Aside from the usual filing of a diplomatic note, we should order our principal representative in China to return home. He should not go back to Beijing until we receive a response from the Chinese government apologizing for their harassment and bullying tactics in the West Philippine Sea and committing to rectify their misconduct,” ayon sa kongresista.

Giit nito, dapat na ipakita ng Pilipinas ang protesta ang mistulang “David vs Goliath” na banggaan ng Philippine Coast Guard (PCG) patrol sa isang Chinese Coast Guard (CCG) vessel kung kaya’t dapat na pauwiin na si Ambassador Jaime Flor Cruz, na dating mamamahayag na mahabang panahon na sa China para sa American news organizations.

Sinabi ni Rodriguez na ang Pilipinas ay naghain na ng daan-daang protesta sa Beijing dahil sa agresibo at pambu-bully na aktibidad ng China.

Noong 2022 lamang aniya, 193 protesta ang naihatid sa Beijing, kabilang ang 65 ng administrasyong Marcos.

“All these protestations fell on deaf ears. That is why they continue to harass and bully our Coast Guard patrols and our fishermen, from the northern part of our country in Pangasinan and Zambales to the south in Palawan,” sabi nito.

Pinuri rin ng mambabatas ang reaksyon ng Estados Unidos sa kamakailang insidente ng muntik na banggaan, na nangyari sa Ayungin Shoal area, kung saan nakaistasyon ang isang maliit na grupo ng mga sundalong Pilipino sa isang luma at kinakalawang na barko ng Navy.

“We welcome the unequivocal, clear commitment by the US government. The reiteration of US obligations under the 1951 Mutual Defense Treaty is very reassuring,” ayon pa kay Rodriguez.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s