Pagbisita ni PBBM sa US, tagumpay ng bansa– Speaker Romualdez

Masusing nakikinig si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa talakayan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at US President Joe Biden sa bilateral meeting sa White House. Kabilang sa pinag-usapan ng dalawang lider ang mas mahusay na relasyon ng Pilipinas at US.

Ni NOEL ABUEL

Iniulat ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na nakakuha na ng malaking windfall ang Pilipinas sa paunang yugto ng opisyal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa United States (US) na itinampok ng kanyang bilateral meeting kasama ang US President Joe Biden.

Sa ikalawang araw ng kanyang limang araw na opisyal na pagbisita sa Estados Unidos, nakipagpulong si Pangulong Marcos kay Biden sa White House, kung saan nagpasya ang mga ito na humugot sa lakas ng patuloy na pakikipagtulungan ng dalawang bansa upang isulong ang paglago ng ekonomiya at kaunlaran sa Estados Unidos, Pilipinas, at ang mas malawak na rehiyong Indo-Pacific.

Sinabi ni Biden na magpapadala ito ng Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas kasabay ng pangako na palalakasin ang suporta ng Amerika sa Pilipinas sa kabilang ang climate change mitigation at ekonomiya.

“This high-level trade and investment mission from the US will add more momentum to sustain our country’s economic growth and help establish the Philippines as a hub for investments and as a regional supply chain hub,” ani Romualdez.

“Such bilateral economic engagement with the US will not only generate more jobs and business opportunities for our people but, more importantly, it would focus on sectors critical to ensuring a resilient supply chain to avert the recurrence of serious disruptions that wreaked havoc in the economies of many countries in the past few years,” dagdag pa nito.

Binanggit ni Romualdez na bago ang pagpupulong ng dalawang lider sa Oval Office, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang delegasyon ng Pilipinas sa pagsasara ng mga bagong kasunduan sa kalakalan at pamumuhunan sa mga pribadong kumpanya, gayundin ang mga kasunduan sa pakikipagtulungan sa gobyerno ng US.

Noong Lunes, nasaksihan ni Pangulong Marcos ang makasaysayang paglagda ng isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Integrated Micro-Electronics Inc. ng Ayala Group at Zero Motorcycles na nakabase sa California sa pakikipagtulungan sa paggawa ng mga de-kuryenteng motorsiklo sa Pilipinas.

Gayundin, ang nangungunang nuclear energy firm na NuScale Power Corporation ay nagpahayag ng interes na mamuhunan sa Pilipinas pagkatapos ng isang pulong kay Pangulong Marcos sa Washington D.C. at nagpahayag ng mga plano para sa isang pag-aaral upang mahanap ang isang naaangkop na lugar sa bansa para sa Small Modular Reactor nito, isang compact ngunit napatunayang ligtas na nuclear power plant.

Dagdag pa rito, nagkasundo ang Pilipinas at Estados Unidos na magtayo ng ministerial team sa kooperasyong pang-agrikultura sa panahon ng pagpupulong ni Pangulong Marcos at ng mga opisyal ng US Department of Agriculture sa pangunguna ni Sec. Thomas Vilsack.

“US agriculture technology will be of immense value in helping us not only enhance the productivity of our agricultural sectors but also in combatting the ill effects of climate change, particularly now that we are facing the threat of the El Nino phenomenon,” sabi ng lider ng Kamara.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s