Rep. Yamsuan sa GCG: Manguna sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si Bicol Saro party list Rep. Brian Raymund Yamsuan sa ahensya na nangangasiwa sa operasyon ng mga state-run firm na manguna sa pagtataguyod ng kahusayan, transparency at accountability sa serbisyo ng gobyerno.

Pinaalalahanan din ni Yamsuan ang mga empleyado ng Governance Commission for Government-Owned and -Controlled Corporations (GCG) na ang pagtatrabaho sa gobyerno ay hindi lamang isang trabaho, kundi isang pangako na gawin ang lahat ng makakaya sa paglilingkod sa mamamayang Pilipino.

Sinabi nito na ang mantra ng GCG sa paglalayon ng G.R.E.A.T., na kumakatawan sa Good Governance, Rightsizing, Efficiency, Accountability and Transparency ay “dapat maging viral” sa buong burukrasya upang ang mga empleyado ng gobyerno ay magbigya ng inspirasyon na gumawa ng mas mahusay sa pagganap ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad bilang mga pampublikong tagapaglingkod.

“Commit to be G.R.E.A.T.—greater and better, not only for yourself, but for the Filipino people. Hindi lang ito trabaho, commitment ito. Commitment ninyo ito sa inyong sarili at sa taumbayan,” ani Yamsuan.

Sinabi ng mambabatas na dapat gawin ng bawat empleyado ng gobyerno ang bahagi sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala upang mapanatili, at mapataas pa, ang tiwala at paggalang ng publiko sa gobyerno.

Sinabi nito na ang trabaho ng GCG sa pangangasiwa at pagsubaybay sa mga operasyon ng humigit-kumulang 118 GOCC ay hindi madaling gawain.

Sinabi ni Yamsuan na nakatitiyak ito na ang mga kalalakihan at kababaihan ng GCG ay patuloy na mananatiling nakatuon sa pagiging responsable, tumutugon at produktibong mga pampublikong tagapaglingkod.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s