Isabela magkakasunod na nilindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng magkakasunod na paglindol ang lalawigan ng Isabela ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 5.8 dakong alas-8:49 ng umaga sa layong 015 km hilagang silangan ng Maconacon, Isabela at may lalim na 042 km at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity V sa Penablanca, Enrile, at Tuguegarao City, Cagayan at intensity IV sa lungsod ng Batac, Ilocos Norte; at intensity II sa Pasuquin, Bacarra, at sa lungsod ng Laoag, Ilocos Norte.

Habang sa Instrumental Intensities ay naitala ang intensity V sa Penablanca, Cagayan; intensity IV sa Gonzaga, Cagayan; intensity III sa Ilagan, Isabela; intensity II sa Casiguran, Aurora; Pasuquin, Laoag City, Batac, Ilocos Norte; Vigan City, Ilocos Sur; Santiago City, Isabela; Tabuk, Kalinga; Madella, Quirino at intensity I sa Bangued, Abra; Diapaculao, Baler, Aurora; Narvacan, Ilocos Sur; Bayombong, Nieva Vizcaya.

Ganap namang alas-9:17 nang tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa layong 031 km hiilagang silangan din ng Maconacon, Isabela at may lalim na 031.

Naramdaman ang intensity II sa Penablanca, Cagayan.

Samantala, ganap namang alas-9:22 nang maitala ang magnitude 4.2 na lindol sa layong 032 km hilagang silangan ng Maconacon, Isabela.

May lalim itong 030 km at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity I sa Gonzaga, Cagayan; Ilagan, Isabela.

Ayon pa sa Phivolcs, noong nakalipas na Mayo 3, 2023 ay naitala rin ang magnitude 3.6 na lindol dakong alas-3:00 ng madaling-araw.

Ang lokasyon nito ay sa layong 028 km hilagang silangan ng Maconacon, Isabela at may lalim na 034 at tectonic ang origin.

Naitala ang iIntensity I sa Peñablanca, Cagayan.

 Sinabi pa ng Phivolcs, na ang mga naitalang aftershocks ay resulta ng magnitude 5.3 na naitalang lindol noong Abril  23 sa Maconacon, Isabela.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s