
NI MJ SULLIVAN
Naglabas ng abiso ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng mabuong bagyo ang low pressure area sa lalawigan ng Palawan.
Sa inilabas na ulat ng PAGASA, ganap na alas-10:00 ng umaga nang matukoy ang LPA sa layong 75 kms timog-kanluran ng Cuyo, Palawan at inaasahang sa loob ng 48-oras ay mabubuo ito bilang tropical depression.
Magdadala na masamang panahon ang nasabing LPA na may kasamang mahina hanggang malakas na pag-ulan sa buong Palawan at ilang lugar sa Western Visayas.
Dahil dito, asahan ang pagbaha, pagragasa ng lupa sa nasabing mga lugar kung kaya’t pinag-iingat ng PAGASA at ng disaster risk reduction and management offices ang mga nakatira sa mababang lugar at nakatira sa mga gilid ng bundok.
“This weather disturbance may develop into a tropical depression within the 48-hours. Hazards affecting land areas in the next 24 hours, the LPA will bring light to moderate with at times heavy rains over Palawan and Western Visayas. Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are possible, especially in areas that are highly or very susceptible to these hazards as identified in hazard maps and in areas with significant antecedent rainfall,” ayon sa abiso ng PAGASA.
Sinabi pa ng ahensya na maglalabas din ang PAGASA regional services divisions ng mga local heavy rainfall warnings at thunderstorm advisories sa mga nasasakupan nito upang magbigay ng agarang babala sa posibleng dulot ng mga pag-ulan.