Pambansang Pabahay sa OFW inihahanda na ng OFW party list

Batch 2 abangan pa–Rep. Magsino

Ni NOEL ABUEL

Isinasaayos na ng OFW party list ang mga panuntunan para sa pagkakaloob ng pabahay sa ilang overseas Filipino workers.

Sa Facebook porst, sinasabing sa isinagawang pulong ng technical working group (TWG) ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at OFW party list, isang maayos na sistema at proseso ang inilatag para sa pag-avail ng aPambansang Pabahay para sa mga OFWs.

Ilang sa mga panuntunan na inilabas ng TWG na ang mga aplikante ay kinakailangang magsumite ng mga pre-qualification requirements.

Sinasabing ieendorso ng OFW party list sa DHSUD ang mga paunang detalyeng isinumite at pre-qualification requirements ng mga OFWs na nais maging aplikante ng programa.

Ayon kay OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino, ang talaan ng listahan ay sasailalim sa assessment ng DHSUD at ibe-verify ang listahan at ieendorso ng DHSUD sa Pag-IBIG Fund.

Ang Pag-IBIG Fund ay makikipag-ugnayan sa mga pre-qualified at endorsed na aplikante para ipaliwanag ang mga susunod na hakbang sa proseso at ang mga dokumentong ipapasa sa ahensya para sa final assessment at approval.

Pagkatapos ng approval ng Pag-IBIG Fund sa application, hihintayin matapos ang construction at turnover ng unit sa vertical housing (condominium type).

“Paalala po na ang housing projects ay maaaring magtagal hanggang dalawang (2) taon bago tuluyang mabigyan ng clearance para matirahan at ma-turnover sa aplikante ng programa,” sabi ni Magsino.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Magsino na nauunawaan nito ang kasiyahan ng mga OFWs housing projects kung kaya’t makikipag-ugnayan ito sa DHSUD at Pag-IBIG Fund para sa maayos na pagpapatupad nito.

Sa pinakahuling talaan, umaabot na sa mahigit sa 10,000 aplikasyon ang natanggap ng OFW party list mula sa mga OFWs na nais maging benepisyaryo ng Pambansang Pabahay.

Ayon sa kongresista, may nakalatag na ring batch 2 ng programa na inihahanda ng OFW party list kung kaya’t marami pang pagkakataon na magkabahay ang masuwerteng OFW.

11 Comments

  1. aq poh c erma brosas single mom..ofw for 10yrs us DOMESTIC WORKERS s bansang arabo,,sna poh makakuha poh aq ng pabahay pra poh mgkaroon kming mg’iina ng sariling bahay….hopefully isa poh aq s mapili nyoπŸ™πŸ™πŸ™

    Like

  2. I am Maria Victoria C. Pelino…single mother od 4 children…..working abroad (United Arab Emirates).for 17 years but still no permanent house.
    Im srill paying my children renr in rhe philippines.
    So hoping you help me to have rhis mitang pabahay para sa ofw.
    Thanks

    Like

  3. Ako si metchelle Francisco single mom ako ngayon nag tratrabaho sa bansang saudi Arabia sana matulongan nio po akong magkaroon ng pabahay program nag makamit ko ung dreams na magkaroon ng sariling bahay thanks you god bless

    Like

  4. Ako po c jean balayo nagtatrabaho sa bansang kuwait bilang domestic helper sana po makuha po ako sa ma bibigyan ng pabahay wla pa kasi ako bahay ang tinitirhan po ngayon ng pamilya ko kubo na tumutulo pag umuulan my dalawa akong anak na 5 years old ang 2 years old pag tumutulo ang bahay nmin hinahanapan ng asawa ko kng saan hnd tumutulo para mapa tulog mga anak ko sana po isa ako na madala po sa pabahay maraming maraming salamat po

    Like

  5. Panoramic po bah mag available gaming poh aqoh Kuwait 3 years poh aqoh dun at now ditch namen aqoh sa Saudi mag 4 years nah rin poh gusto qoh poh Sarah mag avail nanga oah bahay program thank you poh and God bless allπŸ’“πŸ˜‡πŸ˜”

    Like

  6. sana po isa po ako sa mapabilang magkaroon ng sariling bahay dati ako ofw dubai solo parents may anak tatlo na po ako at talagang hirap mo talaga ako.marami salamat po sana matulongan po ninyo aq sa awa ni god

    Like

  7. Hello po Mam/sir gusto ko po mgka bahay 11 yrs n OFW wla p din po permanent n bahay pra samin Ng Mma ko, anu po link n pwede fill apan/mgpass Ng requirements? San po location Ng housing?

    Like

Leave a reply to Metchelle Francisco Cancel reply