Solon sa MIAA: Ilabas ang electrical maintenance records ng NAIA

Rep. Brian Raymund Yamsuan

Ni NOEL ABUEL

Inatasan ni Bicol Saro party list Rep. Brian Raymund Yamsuan ang Manila International Airport Authority (MIAA) na isumite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga electrical maintenance records at mga plano nito para sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni Yamsuan na nais nitong matukoy kung regular na tinitiyak ng MIAA ang pagsusuri sa pangunahing gateway ng bansa upang hindi na maulit pa ang pagkawala ng kuryente.

Sinabi ni Yamsuan na bagama’t handang tumulong ang Kongreso sa MIAA sa pagpapabuti ng mga kagamitan at pasilidad ng NAIA, tila walang pakialam ang ahensya sa kapakanan ng libu-libong mga pasahero ng eroplano na naabala dahil sa nakapipinsalang pagkawala ng kuryente na naganap noong panahon ng travel seasons noong Enero 1 at Mayo 1 ng taong kasalukuyan.

“Meron ba kayong maintenance schedule, especially para doon sa critical facilities? Per quarter ba ‘yan, monthly ba ‘yan, ano ‘yung maintenance schedule n’yo diyan. What’s your maintenance schedule?,” tanong ni Yamsuan kay MIAA Officer-in-Charge Bryan Co.

“Kasi kung wala kayong plano, gaya ng nasabi ni Cong. (Rodante) Marcoleta at Cong. (Salvador) Pleyto, paano natin maa-assure na okay lahat ng ginagawa n’yo sa mga areas na dapat ninyong tingnan?,” dagdag pa nito.

Ang panel, na pinamumunuan ni Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop, ay nagsasagawa ng moto propio inquiry sa pagkawala ng kuryente na nangyari sa NAIA Terminal 3 noong Labor Day, na nakaapekto sa mahigit 9,000 pasahero.

Nauna nang nagsagawa ng pagsisiyasat ang komite sa pagkawala ng kuryente na nagsara sa airspace ng bansa noong Bagong Taon, na na-stranded sa humigit-kumulang 65,000 pasahero at nag-ground sa mahigit 300 flight.

Ayon kay Yamsuan, na kabilang sa naapektuhan ng New Year power shutdown, na personal na naging saksi sa dinanas ng mga libu-libong pasahero dahil sa pagkawala ng kuryente.

“Grabe ang nangyari sa mga kababayan natin na talagang sakto lang ang budget ng bakasyon nila. Nakakaawa sila doon sa airport, practically nandoon sila, doon na natulog lahat,” sabi ni Yamsuan.

“I think that it’s crucial for you to really take serious thought on all the things that you need to see to find out the problems in your agency,” pahayag ni Yamsuan kay Co.

Sa pagtatanong ni Yamsuan, nalaman ng panel mula kay Co na ipinarating ng mga dating opisyal ng MIAA ang problemang kinakaharap ng NAIA.

Sinabi ni Co na ito ang dahilan kung bakit sinimulan ng kasalukuyang pamunuan ng MIAA ang pagbili ng mahahalagang pasilidad at sistema mula noong nakaraang taon.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s