
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng magkasunod na paglindol ang lalawigan ng Masbate, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.3 na lindol dakong alas-12:31 ng madaling-araw sa layong 010 km timog silangan ng Batuan, Masbate at may lalim naa 010 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity II sa Batuan, Dimasalang, San Jacinto at sa lungsod ng Masbate, Masbate at intensity I sa Monreal, Masbate.
Habang sa instrumental intensities ay naitala ang intensity III sa Batuan, Masbate at intensity II sa Milagros at syudad ng Masbate, Masbate.
Ganap namang ala-1:11 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 3.5 na lindol sa layong 006 km timog silangan ng nasabi ring lalawigan.
May lalim lamang itong 001 km at tectonic origin.
Naramdaman ang intensity III sa lungsod ng Masbate at Batuan, Masbate at intensity I sa Monreal, Masbate .
At sa instrumental intensities naitala ang intensity III sa syudad ng Masbate, Masbate at intensity II sa Batuan, at intensity I sa Milagros at Monreal, Masbate.
Wala namang naiulat na naging epekto ang nasabing magkasunod na lindol.