Pagpapalawig ng Malampaya service agreement tulong sa kakapusan ng supply ng kuryente — Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Pinuri ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang renewal agreement para sa Malampaya Service Contract No. 38 (SC 38), na dapat makatulong sa pagpapatatag ng presyo ng kuryente at maiwasan ang brownout na magreresulta sa pagkalugi sa negosyo at magdulot ng paghihirap ng mamamayang Pilipino.

Kabilang si Romualdez sa mga opisyal ng gobyerno na nakasaksi sa pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa Palasyo ng Malacañang sa renewal agreement ng SC 38, na orihinal na nakatakdang mag-expire noong Pebrero 22, 2024, at pinalawig pa ito ng 15 taon.

“This is a welcome development as the Malampaya gas field provides a significant portion of our country’s energy requirement,” ani Romualdez.

Mismong si Pangulong Marcos ang nagsabing ang Malampaya ay nagbibigay ng langis sa 20 porsiyento na kinakailangan ng Luzon.

“Extension of the SC 38 will not only reduce our dependence on imported oil as fuel for our power plants, which will help stabilize the price of electricity. More importantly, it would help boost our power reserves and prevent brownouts resulting in losses for businesses and suffering for our people,” pahayag ni Romualdez.

Idinagdag nito na ang pagpapalawig ng SC 38 ay magbibigay ng tuluy-tuloy na supply ng kuryente habang ang administrasyong Marcos ay nagsusumikap sa pangmatagalang diskarte nito sa pagsiguro ng karagdagang mapagkukunan ng enerhiya upang mabawasan ang mga gastos sa kuryente at maiwasan ang pagkawala ng kuryente.

“The House of Representatives supports the initiatives of the administration of President Marcos, including its agenda to promote our energy security,” ayon pa sa lider ng Kamara.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay sinigurado ni Romualdez ang pangako ng mga lider ng partido sa isang caucus sa House of Representatives para sa pagpasa ng mayorya kung hindi man lahat ng 13 natitirang priority measures ng administrasyong Marcos na nakalista sa ilalim ng Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC) bago ang sine die adjournment ng Kongreso noong Hunyo 3, 2023.

Kabilang sa priority measures ang pag-amiyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Ayon sa Department of Energy (DoE), ang pagpapalawig ng Malampaya service agreement ay magtitiyak ng patuloy na supply ng natural gas sa 1200 MW Ilijan Power Plant na nakatakdang muling gumana sa huling bahagi ng Mayo ng taong kasalukuyan.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s