Solon sa PCG: Dagdagan ang navigational buoys sa West Philippine Sea

Ni NOEL ABUEL

Pinuri ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paglalagay ng limang navigational buoys para igiit ang soberanya ng bansa sa pinag-aagawang islets, reefs at shoals sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa kongresista, naaayon at dapat pang dagdagan pa ng PCG ang inilalagay na navigational buoys sa pag-aaring bahagi ng WPS na nasa exclusive economic zone ng bansa.

“The Coast Guard should install more buoys in the entire breadth of the WPS, from the northern part of the country in the Ilocos region to the south in the Palawan area, because that is the extent of Philippine territorial waters China is claiming,” aniya pa.

Aniya, ang nasabing mga markers ay magsilbing babala sa China at sa iba pang bansa na pag-aari at nasa loob ng 200 mile EEZ ng Pilipinas na naaayon sa international law.

Giit pa ni Rodriguez na dapat nang umalis ang China sa bahaging sakop ng Pilipinas dahil walang karapatan itong angkinin ang buong WPS.

“China should leave that area. They have no business occupying certain islets and sea features there,” sabi ni Rodriguez.

Hinimok ng mambabatas ng Mindanao ang PCG na bumili ng mas maraming buoys at isama ang pondo para sa mga markers sa panukalang badyet nito sa Department of Budget and Management (DBM) at Kongreso.

Suhestiyon pa nito na kung kinakailangan ay hingin ng PCG ang tulong ng Philippine Navy para sa paglalagay ng mas marami pang buoys.

Base sa ulat, naglagay ang PCG ng markers na may national flag sa limang bahagi ng Spratly Islands group off Palawan, kasama ang Juan Felipe Reef, na mas kilalang Whitsun Reef.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s