Wanted na Taiwanese nadakip ng BI

NI NERIO AGUAS

Nakatakdang ipatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted sa bansa nito dahi sa kasong large-scale fraud.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, inihahanda na ang kaukulang dokumento para mai-deport na pabalik ng Taiwan ang dayuhang si Yin Chich Chou, 40-anyos, na naaresto noong nakalipas na  Mayo 11 sa isang condominium unit sa Adriatico St., Ermita, Manila.

Nabatid na armado ng mission order, base sa kahilingan ng pamahalaan ng Taiwan, sinalakay ng mga tauhan ng fugitive search unit (FSU) ang pinagtataguan ni Chou sa nasabing lugar.

“He will be deported as soon as our board of commissioners issues the order for his summary deportation.  He will then be included in our blacklist and perpetually banned from re-entering the Philippines,” sabi ng BI chief.

Sa record ng BI, si Chou ay overstaying na sa bansa kung saan Hulyo 19, 2018 nang dumating ito sa bansa at mula noon ay hindi na muli pang umalis ng bansa.

Maliban dito isa na itong undocumented alien matapos bawiin ng Taiwanese government ang pasaporte nito.

Sinasabing may arrest warrant ang naturang dayuhan na inilabas ng Taiwan Hsinchu district prosecutor’s office dalawang buwan matapos na magtago ito sa Pilipinas.

Base sa reklamo, niloko ni Chou ang mga biktima nito na kumuha ng pera para umano gamitin sa pagbili ng luxury items sa murang presyo subalit sa tinangay na ito ng una.

Si Chou ay kasalukuyang nakadetine sa BI holding facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s