Chinese national arestado ng BI

NI NERIO AGUAS

Naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na matagal nang wanted dahil sa pagiging overstaying at illegal na nagtatrabaho sa bansa.

Ayon kay BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. naaresto ng mga tauhan nito ang dayuhan na nakilalang si Zheng Zongyi, 30-anyos, noong nakalipas na May 10 sa labas ng pinagtatrabhuhan nito sa central business district sa Makati City.

Sinabi ni Manahan na si Zheng ay nasa wanted list ng BI noon pang 2021 matapos na matuklasan na mula Nobyembre 22, 2019 hanggang ngayon ay hindi na ito umalis ng bansa at tuluyang nagtago.

 “Investigation also revealed that Zheng violated the conditions of his stay as a tourist for engaging in gainful employment here without bothering to apply for a work permit and visa,” sabi ni Manahan.

Samantala, sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na agad na iniutos nito ang pagpapatapos pabalik ng China ang nasabing dayuhan at hindi na maaari pang makabalik ng Pilipinas matapos na pagiging  undesirable alien.

“Aliens who deliberately violate our laws do not deserve the privilege to stay in our country.  They should be sent out and perpetually banned from coming here again,” ayon sa BI chief.

Si Zheng ay kasalukuyang nakadetine sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang inihahanda ang deportation proceedings laban dito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s