
NI MJ SULLIVAN
Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs) na may naitalang paglindol sa lalawigan ng Ilocos Sur kaninang umaga.
Ayon sa Phivolcs, ganap na alas-7:11 ng umaga nang tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa layong 006 km hilagang silangan ng Lidlidda, Ilocos Sur.
May lalim itong 011 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang lindol sa instrumental intensities ang intensity II sa Candon, Ilocos Sur habang intensity I naman sa Vigan City, ng nasabing lugar.
Wala namang inaasahang aftershocks ang Phivolcs sa mga susunod na araw at wala ring naapektuhan ng lindol.