Kamara matatag sa liderato ni Speaker Romualdez — Recto

Ni NOEL ABUEL

Naniniwala ang isang kongresista na lilipas din ang sigalot at tampuhan ng ilang miyembro ng Kamara kasunod ng nangyaring rigodon sa liderato nito.

Ayon kay House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto, matatag ang liderato ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pamunuan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kasama ang mga kongresista.

“This “political tampuhan” shall pass. This is a tempest in a teacup that will not wash away a strong alliance between close partners who share a common vision of a prosperous and peaceful country,” sabi pa ni Recto.

Aniya, ang hindi pagkakaintidihan ay malapit nang matapos at ang kooperasyon ay muling uusbong sa Kamara at ang mga pagtatangka na magdulot ng kaguluhan ay hindi magtatagumpay.

“The presidency has been served well by this working partnership, two House leaders pooling their expertise and experience in providing valuable counsel to the leader of the land,” ayon pa kay Recto.

Sinabi pa nito na si Romualdez at dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ay magkatuwang sa kahanga-hangang output ng mga panukalang batas ng Kamara gayundin ang paggamit ng mga oversight powers.

Idinagdag pa ni Recto na napakaraming problema ng bansa kung kaya’t nakatuon ang Kongreso para makahanap ng solusyon.

Giit pa nito, hindi ito magtatagumpay ang mga naglalabasa mga intriga.

“The uninformed will say that unity has cracked. Nothing is farther from the truth. No wound needs healing as none was inflicted,” sabi pa nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s