LTO chief Tugade nagbitiw sa posisyon

NI MJ SULLIVAN

Nagbitiw na sa posisyon si Land Transportation Office (LTO) chief, Atty. Jose Arturo Tugade dahil sa umano’y magkasalungat na posisyon sa Department of Transportation (DOTr) sa usapin ng driver’s licence.

Sa inilabas na kalatas ni Tugade, sinabi nitong nagdesisyon itong magbitiw sa posisyon upang mabigyan ng pagkakataon si DOTr Secretary Jaime Bautista na maghanap ng makakatulong nito sa paghahanap ng solusyon sa problema ng LTO.

“Even as DOTR and LTO both aim to succeed in serving the public, our methods to achieve that success differ. I will continue to root for the LTO’s success even as a private citizen, because I will always share in Sec. Bautista’s belief that our offices can be a formidable force for good in our country,” sabi ni Tugade.

Si Tugade, anak ni dating Transportation Secretary Arthur Tugade, ay na-appoint sa LTO noong Nobyembre 2022.

Naiwan ni Tugade ang kinakaharap na suliranin ng LTO hinggil sa kakapusan ng plastic cards para sa driver’s licenses na kasama sa hindi napagkasunduan ng una at ni  Bautista.

Magugunitang sinabi ni Tugade na dahil sa inilabas na memorandum ng DOTr noong Enero 2023 ay pinigilan ang LTO na bumili ng plastic cards subalit sa panig naman ni Bautista ang LTO ang dapat na gumawa ng paraan para sa procurement process.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s