
Ni NOEL ABUEL
Muling binuhay ng isang kongresista ang paglikha ng Department of Sports, Culture, and Arts na tututok sa mga programang magpapaunlad sa pandaigdigang katayuan ng bansa sa larangan ng palakasan, kultura, at sining.
Sa House Billl 03597, na inihain ni Puwersa ng Bayaning Atleta party list Rep. Margarita “Migz” Nograles, sinasabing habang maraming Pilipino ang naging matagumpay sa iba’t ibang international sporting event at nakakuha ng pandaigdigang pagkilala para sa kanilang kontribusyon sa pagtataguyod ng kultura at sining ng Pilipino, mayroon pa ring pangangailangang lumikha ng isang tanggapan na kikilala sa isang malakas na bansang tumutuon at kumikilala sa ating mga Filipino Athletes at Cultural Artist.
Sa sandaling maging batas, ang DSCA ay magkakaroon ng administratibo at operational na hurisdiksyon sa Philippine Sports Commission, sa Games and Amusement Board, at sa National Commission on Culture and the Arts na lahat ay nasa ilalim ng Office of the President.
Sa pamamagitan ng DSCA, umaasa si Nograles na mabibigyan ng mas maraming insentibo ang mga atleta at artistang Pilipino at magkakaroon ng mas magandang oportunidad sa ekonomiya.
“ It is incumbent upon our government to establish a unified national sports, culture, and arts body to incentivize our Filipino athletes, coaches, and cultural artists to ensure and facilitate wider participation in domestic and international competitions and performances,” ayon sa panukala.
“. In order to carry out the policies and purposes of this Act, the Philippine Sports Commission, the National Commission for Culture and the Arts, are hereby attached to the Department of Sports, Culture, and Arts in addition to the power and functions herein provided, “ dagdag nito.
Nabatid na personal na nagtungo si Nograles sa Cambodia sa katatapos na South East Asian Games para panoorin ang performance ng mga Filipino athletes kung saan ikinalungkot nito na kulang ng kinakailangang suporta ang mga atleta na tutulong sa kanila na maging mas mahusay sa mga international sporting competitions.
Sa kanyang panukala, ang DSCA ay bubuo, magrerekomenda, at magpapatupad ng mga pambansang patakaran, plano, programa, at mga alituntunin na magtataguyod ng pag-unlad at gamitin ang potensyal ng lahat ng Pilipinong atleta, coach, at artistang pangkultura na may kaukulang pagsasaalang-alang sa kanilang kapakanan at tagumpay bilang mga pambansang atleta at artistang pangkultura na nakikipagkumpitensya at gumaganap sa lokal at sa international environment.
Gayundin magpaplano, magpapatupad, at mangangasiwa sa mga programa sa pagpapaunlad ng palakasan, kultura, at sining para sa bansa, sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor na kasangkot sa palakasan, kultura, at sining kabilang ngunit hindi limitado sa pambansang asosasyon sa palakasan, organisasyong pampalakasan, at pribadong korporasyon.
Rekomendasyon din ng panukala na magtatag at magpanatili ng mga ugnayan sa mga international sports federations, national sports organizations ng ibang bansa, at international non-governmental organizations.
Kasama rin ang pagtatatag, bumuo, at magpanatili ng world-class fully-equipped sports facilities and centers, isama ang mga modernong sports complex na sapat para sa mga pangunahing internasyonal na kompetisyon.
At gamitin, kontrolin ang anumang lupa, gusali, pasilidad, kagamitan, instrumento, tolls, at mga karapatan na kinakailangan o kung hindi man ay kinakailangan para sa pagsasakatuparan ng layunin ng departamento.