
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng magkasunod na paglindol ang lalawigan ng Eastern Samar ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, unang naramdaman ang magnitude 3.9 dakong ala-1:49 ng madaling-araw.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 086 km timog silangan ng Sulat, Eastern Samar at may lalim na 006 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity 1 sa lungsod ng Borongan, Eastern Samar.
Ganap namang alas-6:02 ng umaga nang masundan ang nasabing lindol kung saan naitala ang magnitude 4.4 na lindol sa richer scale na nakita ang sentro sa layong 058 km hilagang silangan ng San Julian, Eastern Samar.
May lalim itong 015 km at tectonic ang origin.
Wala namang inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw at wala ring naging epekto ang nasabing lindol.
Samantala, niyanig din ng magnitude 4.1 na lindol ang bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-12:32 ng madaling-araw nang maitala ang lindol na ang sentro ay nasa 277 km timog silangan ng Balut Island, sa bayan ng Sarangani ng nasabing lalawigan.
Naitala ang lalim nito na nasa 001 km lamang at tectonic ang origin.
Wala namang naging danyos na naitala ang nasabing lindol sa naturang lalawigan.
