Villafuerte umapela sa Senado: Early retirement na 56-anyos sa gov’t workers iginiit

Rep. LRay Villafuerte

Ni NOEL ABUEL

Umapela ang isang kongresista sa Senado na ipasa na rin ang panukalang batas na nagbibigay ng early retirement sa mga manggagawa sa pamahalaan.

Ang panawagan ay ginawa ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte kung saan panahon na aniyang ipasa ang panukalang payagan nang magretiro ang mga government employee sa edad na 56-anyos.

Sinabi pa ni Villafuerte na ang pagsasabatas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa edad ng pagreretiro sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa 57-anyos, dapat na itulad din ang 56-anyoa na retirement ng mga empleyado ng pamahalaan.

“Given President Marcos’ signing into law of a measure fixing the maximum terms of duty of top military officers and setting the retirement age of our soldiers at 57, it’s time for the Senate to pass a complementary, House-passed bill allowing government personnel, including public school teachers, to retire at 56,” sabi ni Villafuerte, dating CamSur governor at ngayo’y presidente ng National Unity Party (NUP).

“This would enable would-be retirees to reap the benefits of their hard work at a younger age and at the same time open up new job opportunities to those in the private sector who want to formally join Government but can’t in the absence of available positions in the bureaucracy,” dagdag pa nito.

Nanawagan ang kongresista sa Senado na ipasa bago ang sine die adjournment ng 19th Congress sa Hunyo 2 ang counterpart measure na Senate Bill (SB) 1832 na inakda ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

Ang tinutukoy ni Villafuerte ay ang bagong nilagdaan na Republic Act (RA) 11939, na nag-amiyenda sa RA 11709 sa pamamagitan ng pagtatalaga ng isang nakapirming tatlong taong tour of duty para sa hepe ng Armed Forces at iba pang matataas na opisyal ng AFP, at hayaan ang lahat ng mga sundalo na magretiro kapag sila ay umabot na sa edad. ng 57 o nasa aktibong serbisyo militar sa loob ng 30 taon.

Itinaas ng RA 11939 ang compulsory retirement age na 57 mula 56 o sa makaipon ng 30 taon ng kasiya-siyang aktibong serbisyo militar para sa lahat ng mga sundalo pati na rin ang mga opisyal na may ranggong second lieutenant o ensign up sa lieutenant general o vice admiral.

“The House-passed bill on earlier retirement for our civil servants will give our over a million workers in Government the option to leave public service at a younger age than currently allowed, so they can, for one, spend more quality time with their respective families even before they join the ranks of the elderly,” sabi pa ni Villafuerte.

Ipinaliwanag ni Villafuerte na sa ilalim ng HB 206, ang isang manggagawa sa gobyerno ay maaaring magretiro sa edad na 56-anyos, sa kondisyon na siya ay: (1) nakapaglingkod nang hindi bababa sa 15 taon sa oras ng kanyang pagreretiro; at (2) ay hindi pa nakakatanggap ng buwanang benepisyo ng pensiyon mula sa permanenteng kabuuang kapansanan.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s