
Ni NOEL ABUEL
Pasado na sa ikatlong at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang magtatatag ng voucher program para sa mga mahihirap at academically qualified students sa private higher educational institutions (HEIs) at technical-vocational institutions (TVIs).
Sa botong 265 pabor, apat na abstentions at walang tumutol sa House Bill (HB) No. 7922 na magrerebisa rin sa ilang probisyon ng Tertiary Education Subsidy (TES) para sa mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong HEI sa ilalim ng Republic Act No. 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA).
“We are confident that with this proposed legislation, we will be able to help poor but deserving students to continue and finish their tertiary education. The House of Representatives has always committed
and will stay committed to passing bills that will best serve our youth,” sabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Kasama rin sa naghain ng kahalintulad na panukala sina Reps. Lani Mercado Revilla, LRay Villafuerte, Salvador Pleyto, Manuel Jose M. Dalipe, Jurdin Jesus Romualdo, Sonny Lagon, Daphne Lagon, Janette Garin, Stella Luz Quimbo, Dante Garcia, Alfred Delos Santos, Bryan Revilla, at Ramon Jolo Revilla III.
Sa ilalim ng HB 7922, ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) Board ang mag-a administer ng portable voucher system na papayagan ang mga benepisyaryo na mag-aaral sa private HEIS at TVIs sa mga siyudad at munisipalidad kung saan mayroong
universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs), at public TVIs.
Tutukuyin din ng UniFAST ang pagiging karapat-dapat ng mga mag-aaral sa ilalim ng voucher system, sa kondisyon na ang mga mag-aaral ng pribadong HEI at TVI na ang mga TES grantees ay hindi na maaaring kuwalipikado para sa voucher system.
Samantala, inaatasan sa panukalang batas ang UniFAST na pangasiwaan ang TES at unahin ang mga mag-aaral na bahagi ng mga sambahayan na kabilang sa Listahanan 3 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nasa tinantyang per capita household income, at ang mga mag-aaral ay hindi bahagi ng Listahanan 3, na niraranggo ayon sa tinantyang per capita household batay sa proof of income.
Pinaaamiyendahan din ng HB 7922 ang UAQTEA, na isang batas na nagpalalawig sa coverage ng Free Tuition 2017.