
Ni NOEL ABUEL
Pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pinagsama-samang resolusyon na pumupuri sa delegasyon ng Pilipinas sa 32nd Southeast Asian Games sa pagkapanalo ng 260 medalya at paglalagay sa ika-5 sa overall standing.
Ang resolusyon ay inihain ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pangunahing may-akda ng resolusyon, kasama si Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Senior Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos, Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan, at Tingog Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre bilang co-authors.
Nasungkit ng Pilipinas ang 58 ginto, 85 pilak at 117 tansong medalya, para sa kabuuang 260 medalya, sa regional sports competition na ginanap sa Cambodia noong Mayo 5 hanggang Mayo 17.
“The remarkable finish of the athletes and the entire Philippine delegation shows the Filipino spirit of rising above arduous obstacles brought by the pandemic and other challenging conditions, and inspires
aspiring Filipino athletes to train hard and do their best to become sports heroes in their own fields,” ayon sa resolusyon.
“It is but fitting and proper to congratulate and commend the indomitable spirit and exceptional performance and achievement of the Philippine delegation, including all athletes, coaches, trainers, and support staff for bringing honor and glory to the country through thebgold, silver and bronze medals won in the various sports events,” dagdag pa nito.
Itinuring ng mga ito ang tagumpay ng grupo sa “disiplina sa sarili, determinasyon, kahandaan ng mga atleta, at
pisikal na liksi,” gayundin sa suporta at pagsasanay na pinalawig ng isang propesyonal na grupo ng mga coach at trainer.
“The top-caliber athletes and coaches displayed their heroism, sporting prowess and unrivaled sportsmanship during the multi-sports event,” ayon sa resolusyon.
Idinagdag nito na ang kompetisyon sa palakasan ay nag-promote ng adbokasiya ng bansa sa pagkakapantay-pantay ng kasarian at nagbigay pugay sa mga kababaihan sa palakasan nang magtalaga ito ng isang all-female contingent sa pagbubukas ng parada.
Kinilala rin ng mga may-akda ang suportang ipinahiram ng gobyerno, partikular ang Philippine Sports Commission sa pangunguna ni Chairperson Richard Bachmann, at ang Philippine Olympic Committee na pinamumunuan ni dating Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, at iba pang pribadong organisasyon at indibidwal.
Sinabi ng mga ito na ang naturang tulong ay nagbigay-daan sa mga atleta na patuloy na umunlad ang kanilang pagganap sa pamamagitan ng regular na pagsasanay.
Ang Pilipinas ang may ikalimang pinakamalaking delegasyon na may higit sa 840 atleta, sports officials, coach, trainer, team manager, at iba pang mga support personnel.
