
Ni MJ SULLIVAN
Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tropical cyclone na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa darating na weekend.
Ayon sa abiso ng PAGASA, huling namataan ang super typhoon Mawar sa layong 2,215 km silangan ng Visayas taglay ang lakas na hanging 185 kph malapit sa gitna at masungit na panahon na nasa 230 kph.
Kumikilos ito na mabagal na pahilagang kanluran habang lumapalit sa PAR.
Sinabi pa ng PAGASA na ang nasabing sama ng panahon ay magpapalakas sa hanging amihan na makakaapekto sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao habang ang frontal system ay makakaapekto sa extreme Northern Luzon.
Makakaranas ang Batanes at Babuyan Islands ng maulap na papawirin na may pag-ulan dahil sa frontal system na magdudulot din ng malalakas na pag-ulan na posibleng magdulot ng pagguho ng lupa at falshfloods.
Habang ang Zamboanga Peninsula, BARMM, at Palawan ay magkakaroon din ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagdiklat dahil sa habagat at localized huderstorms na posibleng magdulot din ng flash floods o landslides.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan dulot na habagat at localized thunderstorms.
