DPWH naghahanda na sa tropical cyclone Mawar

Ni NERIO AGUAS

Ipinag-utos na ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel M. Bonoan ang pag-activate ng Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Teams ng DPWH Regional and District Engineering Offices (DEOs) sa inaasahang pagpasok sa Philippine area of ​​responsibility ng tropical cyclone Mawar sa Biyernes o sa Sabado ng umaga.

Ang utos ay base sa impormasyon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na may dalang malakas na puwersa ang nasabing sama ng panahon.

“Our quick response assets composed of maintenance crew with equipment are now strategically prepositioned along national roads to respond to possible road closures and obstructions,” sabi ni Bonoan.

“Earlier, Regional and DEOs were also instructed to prune trees, declog drainage and clear waterways to prevent/mitigate road accidents and flooding on the onset of the typhoon,” dagdag nito.

Bilang isang pamantayang pamamaraan, ang mga quick response teams ay dapat magmonitor at mag-ulat ng sitwasyon ng mga national roads at mga tulay.

Inaatasan din ang mga itong linisin ang mga national roads mula sa sagabal sa kalsada, tukuyin ang mga alternatibong ruta upang matiyak na walang harang ang mga maghahatid ng mga kalakal at serbisyo, at magbigay ng mga pansamantalang istruktura.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s