Suporta ng Party list Coalition Foundation Inc. kay  Speaker Ferdinand Martin Romualdez pinagtibay

NI NOEL ABUEL

Pinagtibay ng mga party list groups ang kanilang maigting na suporta sa pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa isang testamento sa makabuluhang kontribusyon nito sa mga Filipino.

Sa isang pagtitipon, nagsama-sama ang lahat ng miyembro ng Party List Coalition  Foundation Inc. upang ipahayag ang kanilang walang tigil na suporta sa pambihirang pamumuno ni Romualdez sa Kamara.

Ayon kay Ako Bicol party list Rep.  Elizaldy Co, pangulo ng Party-list Coalition Foundation Inc., naglabas ang mga ito ng manifesto na nagpapahayag ng suporta kay Romualdez na nagsusulong ng kapakanan ng mamamayang Filipino at dedikasyon sa mga prinsipyo ng demokrasya.

“We commend Speaker Romualdez’s exceptional vision and unwavering dedication to achieving balance and fairness in the work we do. Under his leadership, the House has successfully tackled critical challenges and advanced initiatives that have strengthened our economy and safeguarded the rights and freedoms of all Filipinos. We firmly support his leadership and look forward to working together to address the urgent needs of our nation,” sabi ni Co.

Dinagdag pa ng nasabing grupo, na binubuo ng iba’t ibang party-list representatives sa Kamara, na si Romualdez ang nanguna sa pagkamit ng balanse at patas sa kanilang trabaho at kinikilala ng mga ito ang ginagawa ng lider ng Kamara sa pangangangailangan ng bansa. Sinabi ni Co na habang nagpapatuloy ang misyon ng Party-list Coalition Foundation Inc., isusulong ng mga ito ang pagkapantay-pantay at pag-unald ng lipunan at walang patid na suporta kay Romualdez kasabay ng pagtatapos ng Sine Die of the 19th congress bilang simbolo ng pagkakaisa.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s