Epekto ng bagyong Mawar lumawak pa

NI MJ SULLIVAN

Lumawak pa ang mga lalawigan na makakanas ng mga pag-ulan dulot ng epekto ng habagat at ng tropical cyclone Mawar.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), apektado ng habagat ang western sections ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Nabatid na huling namataan ang super typhoon Mawar sa layong 2,150 kms silangan ng Southeastern Luzon  taglay ang lakas na hanging 185 kph malapit sa gitna at sungit na hangin na 230 kph at kumikilos ng kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Makakaranas ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog ang Occidental Mindoro, Palawan, Western Visayas, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Zamboanga Peninsula, at BARMM na maaaring magdala ng pagguho ng lupa at flashfloods.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon din ng maulap na papawirin may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog dahil sa habagat at localized thunderstorms.

Inaasahan na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Mawar sa Biyernes ng gabi o sa Sabado ng umaga kung saan tatawagin itong bagyong Betty.                      

Leave a comment